Sunday, September 14, 2008
nkkbskng deadma kprnnmn
para sa nahirapang bumasa, "nakakabasa ka nga deadma ka pa rin naman"
na-inspire ako sa sinabi ni joyce, na na-inspire din kay kimer. ako din nung una ayoko maging doktor. nung bata pa ako (mga prep), ang pangarap ko ay maging cashier at ipasok ang kamay ko sa umaapaw na pera sa loob ng cash register, hindi sa katawan ng tao na nag-umaapaw ang dugo at may limpak limpak na internal organs. pero sa isang babaeng indecisive na tulad ko, nagbago rin ang lahat parang bagyo. (no offense, for feminists.)
kamakailan lang sabi sa news, kumokonti na daw ng populasyon ng mga doktor sa pilipinas. halos lahat sila naging nurse, nagcall center, dh o samakatwid, nangibang bansa. ironic kung isipin, habang dumrami ang intsik at koreano at hapon at indyano at arabo sa bansa, tayo naman alis nang alis, yung mga pilipino ang kumokonti. hindi sa sinisisi ko ang mga taong nangingibang bansa. kahit naman ako gusto ko rin ma-experience ang manirahan sa ibang bansa (yung medyo matagal pero hindi panghabambuhay). at kung tutuusin, aanhin mo nga naman ang maling (chinese luncheon meat) na baka expired na galing sa mga tindahan kung meron namang spam na pang-pasalubong?
pero bakit ganon, kung dumarami ang foreigners sa bansa, ibig sabihin to them, asset pa rin ang bansa natin. di mo naman kailangang maging economist to figure that out. tingnan mo ang mga chinese, meron na silang sariling city or area. at ang nakakaaliw pa, hindi lang sila nasa binondo pero bawat probinsya, may chinese area. yung mga koreano, dati sa tv at sa primetime lang natin sila nakikita, pero ngayon pumunta ka sa rob manila at magsasawa ka sa koreanovela. pero the best pa rin ang mga arabo, di mo na kailangang magpunta kung saan-saan, basta makadinig ka lang ng revv ng motor, makatanaw ka lang ng payong at pagkatapos antayin mo lang ang katok sa pinto, voila! may instant visitor ka na from that moment on! at ang nakakaaliw pa, may favorite silang password para lam mo kung sila na ba talaga yun. 5-6.
pero kidding aside, bakit sila, nakikita nila na may mapapakinabangan pa sila sa bansa natin? given na that our government provides not enough support to subsidize for our living, why not rely on ourselves, to support us? siguro nga mahirap pero mas mahirap naman kung naghihirap ka na nga tapos nakatanga ka lang na may manlaglag na grasya, diba?
sabi sa isang morning show, kung nakaraket ka man ng madaming pera, imbes na bumili ka ng ferrari, bakit hindi ka na lang bumili ng van at parentahan mo sa pagtoutour sa ibang lugar? uh-uh i know what you're thinking, mahal na rin ang gas. pero ano ang mas mahal gas o ferrari? madami daw kasi sa atin ang one-time-millionaire: extracurricular expenses > investment. inuuna pa daw natin ung makapagpapaganda ng image kesa ung makabubusog ng tyan. isipin natin, galit na galit tayo sa gobyerno kasi ung taxes natin cinoconvert lang nila sa mga commercial para mapaganda ung image nila. e ano bang ipinagkaiba ng ferrari sa gov't ads?
di ko naman sinasabi na masama ang paminsan-minsang luxury. para sa pleasure naman natin yun e. kaya lang take note, minsan lang dapat ang luxury. ibig sabihin "controlled" ang paggastos. oo nga isang beses ka lang bumili ng ferrari, pero habambuhay naman ang mahal na maintenance nun.
kaya kung pilipino ka at kahit papano, kumikita ka ng labis sa kailangan mo lang o medyo malaki ang ipon mo, pa-cheesebuger ka naman. hindi biro lang. imbes na i-indulge mo ang sarili mo sa pansamantalang kaligayahan, ikaw na mismo, bilang kapwa pilipino, ang mag-initiate na tulungan ang kapwa mo sa pamamagitan ng pag-iinvest at pag-eestablish ng trabaho para sa kanila. hopeless na ang gobyerno. pero ikaw bilang mamamayan, may kaya ka pang gawin bilang isa sa elemento ng estado. less extracurricular expenses. more investments. wag mo nang intaying padalhan ka na lang ni manang ng post card galing hongkong. at magising ka na lang na ikaw na pala ang inuutusan ng amo mong koreano.
at kung ikaw naman ay kabayang di masyadong pinalad sa salapi, pagbutihin mo ang trabaho mo. oo mahirap ang buhay pero mas mahirap pa rin kung habambuhay kang maghihirap. kung nababagalan ka sa sistema ng pag-unlad, yayain mo ang mga kasamahan mo na makiisa at patakbuhin ito. mag-aral ka kung kaya pa. at kung sakali mang mabigyan ka ng mas magandang oportunidad sa ibang bansa, huwag kang makalimot. di ka man natulungan ng gobyerno, utang mo pa rin sa lahing pilipino ang natatamasa mo. pilipino ka e kaya masipag at maabiidad ka. tska, padalhan mo din kami ng spam at reese's. :D
posted by anthonette || 7:52 AM
Saturday, September 06, 2008
"is it okay if i call you mine?" the stupid song.
knowing where to go is already a hard thing but knowing where you stand is way harder.
we live in a world of uncertainties. and when we try to tweak things out, straighten up the twists of our roller coaster experience, we find ourselves curled up in more questions. what could be wrong--our questionnaire because it has too many questions? or the answer because it does not single-pointedly answer any question?
what we don't openly admit is that we ask, because we wanted security. and what we openly commit is answering without no sense of assurance nor security. how else can we find the truth?
they say that the easiest way to avoid answering a question is by posing another question. i say, it is indeed the easiest, for now. time comes we have to face the same question and realize how important it is to answer it, for the sake for finding what is real. yes, the world may be uncertain but it does not entail that we don't have any right to search for what is true. we all want security, we all want assurance; but if we are too stubborn to disregard our pride and just answer the question properly, we'll just leave ourselves in discontent and recluse.
we are not monsters to forever be trapped in our self-made labyrinths. think about it, when we find ourselves lost, do we not pursue to find our way out? it is impeccable to just let ourselves die lost and wandering.
in the first place, the only reason why we built that labyrinth is to find someone, brave enough to drive us out of reclusion.
because all of us are just pathetically diagnosed with pathological need for attention.
all i have is just one question. i can't find the guts to ask you. but if you do ask me, just ask, then, yes i do. very much.
posted by anthonette || 8:42 PM